Nakaka-aliw ang sulat ni Itay
Minamahal kong anak,
Medyo mabagal akong mag-type ngayon dahil alam kong mabagal kang
magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na
bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating
nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na it o at malayo sa Manila. Dalawang beses lang
umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong
pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo,
ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko
pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw
bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa
kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng
bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yataito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na
magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil
mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang
mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang
pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalan ta ng bagyo, hindi ko na
pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500
na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial
park, okey naman ang kita above minimum ang sahod. Nakapanganak na rin
pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam k g babae o lalake kaya hindi ko
pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.
Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako. Di
ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga
pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang Terminal nila?
At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong
banggitin sa iyo taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa
TV ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko
nasagot... ikaw anak, alam mo?
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.
Love,
Tatay