nakaloloko!

Nagtagpo sina Jayson at Justin sa isang bus stop at
nag-usap sila.
Panay-panay ang emote ni Justin ng mga problema sa
kanyang pamilya.


Hanggang si Jayson ang nagsalita, "Pare, sa tingin mo,
nakaloloko ang
mga problema mo sa pamilya mo? Tingnan mo naman ang
sitwasyon ko.


"Ilang taon na ang nakararaan, nakatagpo ko ang isang
biyuda na may
isang dalagang anak.


"Nagpakasal kami, kaya nagkaroon ako ng isang
stepdaughter. Hindi
nagtagal, pinakasalan ng tatay ko ang stepdaughter ko.


"Kaya ang nangyari, ang stepdaughter ko ay stepmother
ko rin, at ang
tatay ko ay stepson ko rin.


"Ang misis ko ay naging mother-in-law ng kanyang
father-in-law. Biyenang babae ng kanyang biyenang
lalaki, ikanga.


"Ang anak na babae ng aking asawa, ang aking
stepmother, ay nagkaroon ng
anak na lalaki.


"Ang sanggol na ito ay half-brother ko dahil anak siya
ng aking ama. Pero
dahil anak siya ng anak ng aking asawa, apo siya ng
aking asawa.


"Kaya lolo ako ng aking kapatid sa ama.


"Okey pa sana ito, hanggang nagkaroon kami ng asawa ko
ng isang anak na
lalaki.


"Ang half-sister ng aking anak, ang aking stepmother,
ay lola rin niya.
Kaya ang tatay ko ay brother-in-law ng aking anak, na
ang stepsister ay
asawa ng aking anak.


"Kung gayon, ako ay brother-in-law ng aking
stepmother. Ang asawa ko ay
tiyahin ng sarili niyang anak. Ang anak ko ay
pamangkin ng aking ama, at
ang sarili ko ay lolo ko, oh di ba, nakaloloko?!"