Kandila

Pag dating ni Munir sa bahay, sabi ni Ei, ang asawa nya, "Sweetheart,
delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko lang sa doktor. Pero huwag mong
sabihin kahit kanino, baka mapahiya lang ako kapag di nagkatotoo."

Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco. Pagbukas ng pinto, sabi
niya, "Ale, delayed ho kayo ng isang buwan." "Kanino mo nalaman ito?"
tanong ni Ei. "Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng
taga-Meralco. "Talaga? Nakasulat sa records ninyo?"

Sa sumunod na araw, si Munir ay dumating galit na galit sa counter ng
Meralco. "Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang misis ko?"

"Konting pasensya lang. Kung gusto niyong mawala sa records namin ito,
magbayad na lang kayo," sagot ng isang empleyado.

"Eh, kung ayaw kong magbayad?" tanong ni Munir. "Puputulan ho kayo," sagot
ng empleyado.

"Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?"

"Pwede naman siyang gumamit ng kandila, di ba?"