Tawa muna tayo!!

GF: Hayop ka, niloloko mo ako!
BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah!
GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang ibang babae, magkahawakpa kamay nyo! Niloloko mo ako!
BF: Makinig ka muna... hindi kita niloloko, maniwala ka... Yung kasamakokanina ang niloloko ko!

Ifugao: Apply po ako ng sundalo, sir.
Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!
Ifugao: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, kagatan na ang labanan?

A lizard fell on a table.
Genius: Oh! reptila scincidae;
Kikay: Eew, lizard!;
Astig: Shit, butiki!;
Mataray: Shucks, butiks!;
Mayaman: Yuck! Lacoste!;
Mahirap: Pare, ulam!

Pedro: Saan ka galing, p're?
Berto: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Pedro: Bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?
Berto: Mahirap ilibing eh, lumalaban!

Bakit "S" ang nasa costume ni Superman?
Wala na kasing medium! Napansinmo,fit masyado, di ba?

Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simulangayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaginganak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako.

Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!Girl:
Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!
Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!

Ice cream ba talaga yung inendorse in Pacquiao sa TV ad nya na NestleIceCream? Akala ko kasi, softdrinks. Kasi, sabi nya, "Oh mga bata, Mirindana

priest at a church.
Lady: Father, ang gwapo at cute mo naman! Bakit ka pa kasi nagpari?
Priest: Dahil ayaw pumayag ng magulang ko na magmadre ako! Bruha!

Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walangtakipang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?!
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam nyo?
Pedro: Asin!


Nurse: Miss, gising na!
Patient: Ah, bakit?
Nurse: Oras na ng pag-inom ng gamot.
Patient: Anong gamot?
Nurse: Sleeping pills

Ama: Bakit ka umiiyak?
Anak: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu!
Ama: Aba, magaling! Anong subject yun, anak?
Anak: Pregnancy test po itay!

Erap at Starbucks.
Erap: Waiter, isang kape nga!
Waiter: Sir, decaf ho ba?
Erap: Syempre! Bobo! Lahat ng kape, de cup!Bakit, may nakaplato ba?!

Sa prusisyon.
Pari: Ang mga boys, sunod sa karo ni San Jose, mga girls, sa karo niMamaMary.
Bakla: Kami father, saan kami susunod?
Pari: Mga bruha! Follow me!

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nangwalangparachute!
Leo: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol nya!

Anak: Inay, ang galing ng titser ko.
Inay: Bakit naman?
Anak: Tinuruan kami ng kagandahang asal.
Nanay: Eh di marunong ka nang gumalang at magpo at opo?
Anak: Natural! Tanga ka ba?

TUKMOL: Sino sa inyo ang matapang? Lumabas!
SIGA: Ako, matapang ako, bakit may problema ka?
TUKMOL: Wala po, survey lang ho. Ngayon, yung duwag naman ang lumabas!

Anak: Ma, hingi sana ako ng P50.
Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala momadaling kumita ng P10? O, eto P5.

Boy1: Bakit mo ako sinuntok?
Boy2: Tinawag mo akong hipopotamus!
Boy1: Last year pa yon! Tarantado!
Boy2: Eh kanina ko lang nakita picture ng hippopotamus, bobo!

May kwento ako tungkol sa lovelife ng ampalaya. Huwag na lang! Masyadongmapait!

Grabe! Biruin mo, 150,000 pesos daw, hot oil lang! 150,000 pesos angrebonding! Sobra naman yang David's Salon na yan! - Rapunzel.

Hindi makapagtimpla ng juice si Inday. Tahimik lang syang nakatitig saboteng juice. Dahil nakasulat: Concentrate.